Coming from the city where I live, Trix and I had to travel two hours to reach the nearby city where auntie Vanessa lives.

”Block 2, Lot No. 3, Waydale Street, Green Homes Subdivision. ” Binasa ko ang address na nakatatak sa screen ng cellphone.

Kinakabahan ako, hindi ako sigurado kung ito paba ang address ni Auntie Vanessa. Dahil sa hindi planado ang pagpunta ko rito, hindi ko na nagawang magtanong sa kanya.

Gosh! Im in the middle of the city with four huge luggage. I just got off at a random place, from Trixs car. I still have money, Im confident that this is enough to pay for a taxi.

Ipinarada ng driver ang taxi sa tapat ng isang puting bahay.

”Maam, ito napo yung bahay na nasa address na ibinigay nyo. ” Bumaba ako ng taxi, nakita ko si manong driver na ibinaba mula sa compartment ang mga bagahe ko.

”Salamat po. ” sabi ko sa kanya sabay abot ng bayad.

Ipinukol ko ang tingin sa kabuuan ng bahay. May dalawang palapag ito,kulay puti at gray,katamtaman lang ang laki,maraming bulaklak sa labas na pinapagitnaan ang isang wooden garden swing.

Pinindot ko ang doorbel.Inaasahan kong si auntie Vanessa ang magbubukas ng gate.

Nasa mid thirties na si auntie, mga walong taon ang tanda ni mommy sa kanya.Sa edad niya ngayon ay may dalawang taong gulang siyang anak, si Janessa.Nung huli kaming nag video call, naikuwento niya saakin na ampon nila si baby Janessa. Napagdesisyonan nilang mag-asawa na mag adopt ng bata dahil sa sampung taon nilang pagsasama, hindi sila nabiyayaan ng anak.

”Reyn? ” Malapad ang ngiti sa labi ni auntie Vanessa,agad din niya akong niyakap.

”Kumusta kana? Sana ay nagpaabiso ka bago ka pumarito, hindi ko tuloy napaghandaan ang pagdalaw mo. ” sabi niya matapos dumistansya saakin.

Hindi ko nakasagot. Nahihiya ako sa salitang dalaw. I have my four luggage, sa itsura ko, parang hindi lang ako dadalaw.

Napayuko ako. ”Uhm, auntie, …. ” I pointed my luggage through gestures.Na gets naman agad ni auntie ang ibig kong sabihin.

” Hmm, parang marami tayong pag-uusapan nito. Pasok kana Reyn,ipapakilala muna kita kay baby Janessa. ”

Masaya ako dahil pinatuloy ako ni auntie Vanessa sa kaniyang bahay. Matapos niya akong ipakilala kay Janessa,nag-usap kami ng masinsinan. Sinabi ko sa kanya lahat-lahat nang araw na iyon.

Pagkalipas ng tatlong araw, nakumbinsi ako ni auntie Vanessa na ipaalam na kina mommy na nasa poder niya ako.Na konsensya narin ako sa pinagsasasabi ni auntie, na baka hindi makatulog si mommy sa kaka-isip saakin.

Gaya ng inaasahan,nang nalaman ni mommy na nasa bahay ako ni Auntie Vanessa, agad niya akong pinuntahan para sunduin.

”Geniva, alam ko namang nag-aalala ka para kay Reyna, pero sa tingin ko mas lalo lang siyang masasaktan kapag nandoon siya sa mansion ninyo at ganoon ang set up ninyo ni Eduard. ”

Nandidito ako sa ikalawang palapag ng bahay, malapit sa hagdanan.Nakikinig ako sa usapan nina mommy at auntie.

”Baka wala na siyang balak umuwi sa bahay, yun ang inaalala ko. ”

” Hindi mangyayari iyan. Ina ka niya Geniva, kahit saan mang kupalop ng mundo mapunta si Reyna, uuwi parin iyan sayo. Hayaan mo na muna siyang kumalma, nasaktan yung bata. ”

”Nagkasagutan sila ni Eduard, hindi siya pupunta ng London.I think shes serious of sending herself to college. ”

”Edi mas mabuti. ”

”Anong mabuti doon Vanessa? Malaki ang pangarap ko para sa anak ko. Kaya ko siyang pag-aralin kahit saan. Pinag-aral ko nga yung mga batang hindi ko kilala. ” Bakas ang disagreement sa tono ng pananalita ni mommy.

” Naririnig mo ba iyang sinasabi mo? Baka nakakalimutan mong hindi ka sa London nagtapos Geniva. ”

Walang naisagot si mommy sa sinabi ni auntie Vanessa.

”Tingnan mo yang sarili mo ngayon, ang layo na ng narating mo. Saan kaba nag-aral? Ni hindi nga natin natikman ang private school. ”

”Iba ako Vanessa, kinaya ko lahat. ”

” Pwes kung kaya mo, magtiwala karin sa anak mo. Kung gusto niyang pag-aralin ang sarili niya,iparanas mo sa kanya. Total kung mahihirapan yan, nandidito lang naman ako, at mas lalong nandiyan ka. ”

I heard mommy sign.Nang sinilip ko silang dalawa sa sala, nakita kong nakaupo silang dalawa sa mahabang sofa habang at hinahaplos ni auntie Vanessa ang balikat ni mommy.

”Kung nandidito si Reyna, madali mo siyang madadalaw kahit araw-arawin mo pa. Madali lang yun sayo, dahil marami ka namang sasakyan. E sa London, hindi ganun kadali paliparin ang eroplano. ”

Narinig kong mahinang natawa si mommy.

”Vanessa, bantayan mo ng maigi ang anak ko dito ha. ”

”Maasahan mo ako diyan. ”

” Bago sa kanya ito. ” Mommy took a deep breath. ”Tama ka naman sa sinabi mo, mararansan ni Reyna dito ang mga pagsisikap ko rin noon para lang makapag tapos ng kolehiyo. ”

”Ako ang bahala sa kanya dito Geniva, tutulungan ko siya sa abot ng makakaya ko. Wag ka nangang mag over think diyan, magtiwala ka sa anak mo. ”

” Sige, papayag na akong dito muna siya sa poder mo. ”

Pagkarinig kong pumayag na si mommy ay tumakbo ako saka kanya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

Nang araw nayon, nagkasundo kami ni mommy na dito na ko mag-aaral. Umuuwi parin naman ako sa mansion tatlong beses sa isang buwan. Minsan,sinusurpresa ko si mommy, magugulat nalang siyang umuwi pala ako.Kapag may okasyon, madalas ako ang dumadalaw sa kanya.

AFTER 6 MONTHS

”Whiz Franklin University ” Pabulong kong binasa ang napakalaking pangalan ng university na nasa harapan ko ngayon.

It is a prestigious university. Whatever course you want, name it, theyll have it.

Six months ago ay nagkasagutan kami ni daddy. Sabi ko sa kanyan mag-aaral ako ng college without any help from him, at nagsisimula na akong gawin iyon.

Napakamahal ng university na ito. The tuition here and other charges are daylight robbery! Sa lagay ko ngayon na walang ni five thousand sa aking wallet ay napaka impossibleng makapag enroll ako dito.

Hindi man buo ang pamilya ko ngayon ay mabait parin saakin ang tadhana.

Salamat sa kaibigan ni auntie Vanessa na si Miss Alica, she helped me to get an examination slot for scholarship.

My wealth was not a problem, I have auntie Vanessa whos my guardian right now. As far as shes concerned, she can afford to sent me to Whiz Franklin University either, so my financial record was spotless.

I passed the scholarship exam!

I already have a University Sponsor. I don have to worry about anything else, I just have to study hard. Well, matagal na akong nagsusunog ng kilay. I was valedictorian, right?

Masaya si mommy nang balitaan ko siyang nakapasa ako sa scholarship ng Whiz Franklin. Nung una, ayaw niya akong payagan sa mga ginagawa ko, pero wala siyang magawa dahil gusto ko ito. Nag-uumpisa na ako sa panibago kong buhay sa panibagong lugar na aking gagalawan.

Di nagtagal naging masaya na para saakin si mommy. Masaya siya kung paano ako naging independent sa maikling panahon. Masaya siya dahil nagtatrabaho ako ng maayos sa coffee shop ni auntie Vanessa, para magkaroon ako ng sarili kong pera.

Palagi niyang ini-insist hanggang ngayon na kuhanin ko ang bank card ko sa kanya, pero tumatanggi ako. Masaya naman pala kahit walang luho. Nakakasaya ang mga bagay na pinaghihirapang makuha.

As for dad, pilit ko siyang iwinawaglit saaking isip.

点击屏幕以使用高级工具 提示:您可以使用左右键盘键在章节之间浏览。

You'll Also Like